LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil TAMA lang ang naging desisyon ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na medyo magbawas ng trabaho last year. Hindi siya gumawa ng concert, walang pelikula, wala ring teleserye at ang natatandaan ko lang na commitment niya last year ay nang maging hurado siya sa The Voice Kids. Maging sa commercials ay medyo nag-lie low din si Sarah maliban sa TV Plus commercial niya na maya-maya pinapakita sa mga channels ng TV Plus at siyempre sa ABS-CBN channel 2 at ang commercial niya para sa isang cellphone tungkol sa kanyang ginawang selfies at nanalo pa siya ng award, hehehehehe. Ngayon, she's really back…with a vengeance, 'ika nga, at ang energy, renewed na renewed! Heto ang magandang balita para sa mga fans ni Sarah, magkakaroon siya ng concert with no less than the Pure Energy himself, Gary Valenciano.
Hindi pa raw nila nagawa sa mga nagdaang concert nila ang kanilang gagawin. Ano kaya ito? Naku, pati ako ay na-miss si Sarah sa concert scene kaya tiyak na papanoorin ko ang kanilang concert. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|