LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Masaya si Aiko Melendez na bahagi siya ng pelikulang Barcelona: A Love Untold ng Star Cinema. Bukod sa 2nd time niyang makakatrabaho si direk Olive Lamasan, thankful siyang makatrabaho ang hottest loveteam ngayon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Papuri ang sinasambit niyang mga salita sa paglalarawan sa dalawang young stars. "Ang na-observe ko sa kanila mas sa pag-uugali nila. Kasi naniniwala ako na ang acting natututunan yan pero ang attitude ng isang tao mahirap ipeke yan. I’ve said this, with these two stars I see myself in you before sa popularity nila pero you know what humbles me is that they don’t know that they’re that famous. Yung paa nila laging grounded. DJ will always have a special place in my heart. You know for Kathryn it pays that your mom still takes care of you. It keeps you grounded.” Kaya naman ganun daw niya kamahal ang KathNiel. Pangaral nga daw niya sa anak nila ni Jomari Yllana na si Andrei na papasok na rin sa showbiz, “’Kung may i-idol-in ka na artista sa generation niyo gusto ko si Daniel Padilla yun.’ Hindi lang dahil sa popularity niya, pero dahil yung attitude nila eh. Hindi mo mabubura yun. Ang acting napag-aaralan yan pero ang pag-uugali kahit tumanda ka dala dala mo yan.” LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|