LIKE OUR FACEBOOK PAGE
SA bagong musical reality show ng ABS-CBN, umawit ng medley si Sharon Cuneta. Ipinarinig niya ang kanyang mga pinasikat na awitin nuon pero sa bagong arrangement. Maganda at kakaiba ang tiyempo sa rendition ni Sharon at sa true lang, mahusay ang pagkakanta niya. Ang mga performers sa nasabing OPM ay binigyan ng ibang areglo ng mga awitin ni Mega. Hitsurang binigyan nila ng tribute si Sharon na tulad ng ginagawa rin sa ASAP. Nagtatanong tuloy ang marami kung bakit di bigyan ng Dos ng musical TV show or once a month musical special si Shawie. Ano ba ang binibigay na TV projects sa kanya, panay lang hurado sa mga singing contest at mentor ng mga baguhang mang-aawit. May sariling istilo siya sa pagkanta, may sariling tatak kumbaga. May panawagan ang mga taong nagmamahal kay Shawie sa mga executive producers para naman hindi masayang ang talento ni Shawie. Sana nga matupad ang hiling nila na isang musical show para sa mother dearest ni KC.
Ni Favatinni San LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|