LIKE OUR FACEBOOK PAGE
NAKAKAPIGIL-HININGA ang hearing sa Kamara tungkol sa paglaganap ng shabu sa loob ng Bilibid Prison lalo na nung panahon ni Sec. Leila de Lima bilang Kalihim ng Department of Justice. Nadiin nang husto ng mga testigo lalo na si Herbert Colangco ang dating DOJ Secretary na si Leila de Lima, na ngayon ay isa nang senador, sa kanyang expose na monthly ay nagbibigay daw siya ng P3M sa bagman ng kalihim na si Junnel Sanchez. Bukod pa sa P1M na ibinibigay ni Herbert sa tuwing magko-concert siya. Ang nasabing halaga daw ay PR Payola para makapasok ang mga generator set at equipment na kakailanganin sa concert at ang pagpasok ng trak trak na beer kungsaan milyun-milyun ang kita ni Herbert bukod pa sa pinapabenta niyang shabu. Habang nagsasalita si Herbert at iba pang testigo, sa Senado ay nag-privilege speech naman si Sen. de Lima at dinikdik niya sina President Rodrigo Duterte at Sen. Cayetano. Back to Herbert's testimony, nabanggit pa niya na ang Bilibid Prison ay mistulang Little Las Vegas, ibig sabihin laganap ang sugalan, droga, pati babae.
Nabanggit ang pangalan nina Megastar Sharon Cuneta, Mocha Girls, Ethel Booba at Freddie Aguilar sa mga performers na nakapag-perform sa Bilibid. Hindi naman ito itinanggi ng kampo ng Megastar pero ang ginawang show daw nito sa Bilibid ay isang Outreach Program at wala siyang bayad. May isa pang expose si Herbert na kapag ang isang inmate ipapatapon sa kolonya at nagkataon na bata o tauhan ito ng isang drug lord, magbabayad ito upang hindi matuloy ang pagpapatapon nito at siyempre, mga tauhan din daw ni De Lima ang kanilang kinakausap. Napakabigat ng mga alegasyon tungkol kay de Lima pero sa tingin ko hindi naman nagupo si Sen. de Lima dahil sa kanyang privilege speech, sapul na sapul naman sina Sen. Cayetano at President Duterte at ang mga nagsasalita (that time) sa Kamara ay pawang mga inmates lang. Pakatutukan natin kung ano ang kahihinatnan ng hearing sa Senado tungkol sa extra judicial killing at ang Kamara na tungkol naman sa laganap na bentahan ng shabu sa Bilibid Prison. Ni Timmy Basil LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|