LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Isang masayang Yassi Pressman ang pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN kamakailan, ang kauna-unahang kontrata ni Yassi sa isang network. Ayon sa 21-year old actress, “Sobra akong excited for this year, for the next two years.” Bagama’t hindi pa maibahagi ni Yassi kung anong mga proyekto ang nakalaan sa kanya, hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang mga naglabasang balita sa Twitter at Facebook, na tila isa siya na pinag iisipan ng network na gumanap ng Darna sa pelikula. “Sobrang laking honor…Even if I don’t get to play the role, kung isa ako sa iniisip nila na dapat maging part ako or choice…thankful ako, pero wala pa talaga,” paglilinaw ni Yassi na wala siyang opisyal na offer na natanggap para sa Darna role.
Matatandaang una nang nag-decline si Angel Locsin sa proyekto dahil na rin sa medical procedure na kailangan niyang tapusin para sa kanyang problema sa spine. Ilang pangalan na rin ang lumutang bilang replacement ni Angel pero tila si Angel pa rin ang hinihintay ng Star Cinema para sa role. Matapos sumailalim sa matagumpay na medical procedure, sinabi ni Angel na kung sa kanya pa rin ibibigay ang proyekto ay open siyang tanggapin ito. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|