LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Morly Alinio Nakakaloka as in nakakabaliw naman ang sikat na aktres dahil matapos magparetoke ng ilong na siyang dahilan kung bakit para siyang ngongo ngayong magsalita ay nagpaturok naman ito ng glutathione sa katawan kaya kung mapapansin ay bigla siyang naging tisay na napakalayo sa dati niyang kulay na kayumanggi. ![]() Kapansin pansin ang biglang pagganda ng youngstar na obvious na nagparetoke ng ilong na bumagay naman sa kanyang mukha dahil bukod sa naging tsinita siya ay lalo siyang gumanda dahil sa nakakasilaw niyang kaputian ngayon. Ang totoo niyan maging kami ay nagulat nang huli namin siyang nakita dahil the last time na nakita namin siya sa isang awards ceremony ay backless ang kanyang suot at nagkatawanan pa kami ng mga kasamahang reporters dahil kitang kita sa kanyang likod ang mga peklat na animo ay galis na hindi mo maintindihan. Kaya nitong huli nang nakita namin siya ay isa kami sa nagulat nang bongga dahil wala na sa kanyang katawan ang dating parang mga maliliit na polka dots. Actually magaling ang doctor na humahawak at gumagawa kay youngstar dahil ito rin ang doctor na nagpapaganda kay actres K. Teka, parang magkapatid nga sila ng idolo niyang aktres na pagdating sa pagpaparetoke ay parang ginawa na niya itong libangan. Kung pagmamasdan ay para na silang magkamukha ngayon. Iyon siguro ay dahil iisa ang doctor na nagbibigay sa kanila ng kakaibang kagandahan. Ang aktres na bida sa ating blind item ay ang aktres na may kamukha ring isa pang aktres na sinasabing mas magaling umarte sa kanya at nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan. Tsuk! LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|