LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Noel Asinas TALAGANG sinuportahan ng mga avid followers ng Bubble Gang ang kanilang 20th anniversary presentation na isang natatanging documentary na ginawa ng mga taga-News and Public Affairs people para lang maging makatotohanan at entertaining pa rin ang nasabing presentation. Last Friday sa Gateway Cinema 1, more than 20 cast members ng Bubble Gang ang dumalo sa affair para saksihan ang tagumpay ng show na pagkatapos ng 20 years ay nangunguna pa rin bilang no. 1 at longest running gag show at most influencial comedy show sa bansa. Pinangunahan ni Michael V ang pagbati sa mga well-wishers ng affair na dinaluhan rin ng mga regular fans. Punumpuno ang Gateway Cinema lobby ng mga well-wishers ng BG. Dumating din ang malalaking opisyal ng GMA Network, kabilang dito ang head ng entertainment department na si Ms. Lilibeth Rasonable at ang assistant vice president for comedy at live show na si Ms. Marivin Arayata. As usual binanggit ni Michael V na nakikita niya ang kanyang sarili sa young comedian na si Sef Cadayona. Very inventive sa kanyang characterization si Sef. May sarili siyang version para sa bakla role niya at may pamamaraan siyang kakaibang sa pagpapatawa gamit ang kanyang expressive eyes.
Laking tuwa namang ibinalita ni Sef na naka-second season na ang Juan Tamad comedy sitcom niya na ipinalalabas tuwing Sabado ng gabi. All out support talaga ang ating mga kaBabol nang magdiwang ang programa ng kanilang 20th anniversary. Aba, panalong-panalo sa TV ratings ang ipinalabas na documentary ng longest-running comedy/gag show ng GMA Network noong nakaraang Biyernes. Talagang nakaka-proud at nakakatuwa ang suporta na ipinakita ng mga Kapuso sa Bubble Gang. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|