LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Sa isang panayam kay Solenn Heussaff para sa pelikulang Love Is Blind ng online portal na pep.ph, sinabi nitong medyo kinakabahan siya sa muli nilang pagkikita ng ex-bf nitong si Derek Ramsay. May gf sa kasalukuyan si Derek. Si Solenn naman ay engaged na sa kanyang Argentinian bf na si Nico Bolzico. Ganun pa man, hindi maiwasan ni Solenn na kabahan dahil makakatrabaho niya si Derek.
Para sa kaalaman ng marami, siyam na taon na ang nakakaraan nang magkahiwalay ang noong mag sweethearts na sila Solenn at Derek. Tumagal din ng apat na taon ang relasyon nilang dalawa. Ang nakakakilig pa e, sa hiwalay na panayam kay Derek, sinabi ng binata na si Solenn ang greatest love niya. At si Solenn, sinabi namang si Derek ang kanyang first love kaya't memorable ito. Sayang nga lamang at nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Sa edad na 17 ni Solenn noon, bata pa nga naman ito at kinailangan pa niyang mag concentrate sa pag aaral niya noon sa Paris. Samantalang si Derek ay sa Pilipinas naka-base dahil sa trabaho nito. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|