LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Lourdes Fabian INABANGAN at talaga namang dinumog ng mga entertainment reporters si Sunshine Cruz pagkatapos ng presscon ng teleseryeng Wildflower, na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, noong Lunes ng hapon, Pebrero 8, matapos isapubliko ni Diego Loyzaga ang hinanakit sa amang si Cesar Montano kung saan tinawag ng 21-year-old actor ang kanyang ama na isang liar at hypocrite sa social media. Ito'y sa dahilang binantaan daw siya ng ama na ipapadampot sa pulisya dahil sa paggamit diumano nito ng bawal na gamot at ang pagpapalayas diumano ni Cesar sa bahay na ibinigay na raw ng ama sa kanya. At ang pinaka-matindi pa ay ang sinabi niyang sana lumabas lahat ng baho ng ama. Alam naman ng lahat na si Sunshine ang estranged wife with whom Cesar has three daughters. Si Diego naman ang anak ni Cesar sa mahusay na actress na si Teresa Loyzaga.
“Yung mga kapatid niya texted him and I also messaged Diego and asked him if he’s okay. It’s really not my business. It’s between Diego and his father kaya ayaw po sana nating makisawsaw diyan kasi wala po tayong kinalaman. I really love Diego. My kids are very proud and we're here to support him. Nandito kami, nagmamahal sa kanya. Marami kami,” pag-amin ni Sunshine. Naniniwala ba siya sa hinala ni Cesar na gumagamit ng droga ang binata lalo pa't matagal na niya itong kilala? “Naku! Mahirap. Huwag niyo na akong i-involve. Basta mahal ko si Diego at mahal ko si Teresa at alam kong mabait siyang bata.” Hangga’t maaari ay ayaw makialam ni Sunshine dahil isyu ito sa pagitan ni Cesar at anak nitong si Diego. Hindi na siya nagulat sa biglang pagsambulat ng galit at paglalabas ng sama ng loob ni Diego dahil lahat daw ng bagay ay may hangganan. Basta siniguro niyang suportado niya at ng kanyang mga anak si Diego. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|