LIKE OUR FACEBOOK PAGE
At long last ay nagsalita na rin si Tim Yap at itinanggi nitong nagtatago siya sa abroad kaya siya biglang nawala. Mula sa kampo ni Tim ay sumisigaw ang katarungan na sana ay huwag pagbintangan ang ramp model/celebrity host dahil una at higit sa lahat bukod sa hindi ito gumagamit ng ipinagbabawal na droga ay lalong hindi ito drug pusher. Malinis ang pangalan ni Tim sa showbiz kaya laking gulat ng lahat nang lumabas ang balita na isa si Tim sa pinaghihinalang pusher sa showbizlandia. Mula sa kampo ni Tim ay lumabas ang statement na kung saan ay sinabi ng binata na walang katotohanang nasa ibang bansa siya at nagtatago para umiwas sa iskandalong ikinakabit ngayon sa kanyang pangalan. Sabi ni Tim, never daw siyang gumamit ng drugs as in ni minsan ay hindi siya tumikim o sumubok man lang kaya imposible ang akusasyon sa kanya, idagdag pa ang alegasyong big time pusher siya ng droga sa showbizlandia. Handang magpa-drug test si Tim anytime para mapabulaanan na isa siyang drug dependent sa showbiz. Tsuk! Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|