LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Glen Sibonga Self-confessed fan ang TV host na si Christine “Tintin” Bersola-Babao ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Dahil nga sa pagiging AlDub fan niya ay ilang beses niyang pinanood ang pelikulang Imagine You And Me na pinagbidahan ng dalawa. Sinusubukan niya ring maging present sa mga event na naroon sina Alden at Maine gaya na lang ng Adub Nation Festival 2016 na ginanap sa SMX Convention Center noong October 16. Present din siya sa selebrasyon ng first anniversary ng AlDub. NinangDub na nga ang tawag sa kanya ngayon bilang ninang sa kasal nina Alden at Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. May nakatutuwang kuwento pa si Tintin sa kakasunud-sunod niya sa AlDub. “Nasa Instagram ko iyon, hinabol ko sila sa parking lot. Nakakatawa ‘to, hawak-hawak ko yung phone ko, e di hinabol ko sila. Gusto ko kasing makita yung pagsakay nila sa sports car, magde-date na sila, after ito ng Imagine You And Me (premiere) sa Megamall. Di ba sa parking lot mayroong daanan sa gilid, akala ko flat, semento, iyon pala kaya pala may takip na tarpaulin butas iyon, yung may kanal. So, ako nawala ko sa camera. Lumusot yung shoes kong ganun. Kitang-kita ni Alden at saka ni Maine. Napaganun sila e, ‘Okay lang po kayo Ms. Tin?’ Natigalgal sila pareho. ‘Okay lang ako. Okay lang ako.’ Tapos sumakay na sila sa sports car nila. Iyon ang pinakabaliw kong ginawa. Hinabol ko sila, tapos nahulog ako sa kanal. Tapos na-video ko iyon, ilang beses na-repost iyon. At saka mahal yung shoes ko ha, Louboutin yun. Nakaskas talaga yung leather. Sabi ko, eto na talaga yung souvenir ko of being a loka-lokang AlDub fan,” sabay tawa ni Tintin.
Ano naman ang sinasabi nina Alden at Maine sa kanya sa tuwing nakakasama niya ang dalawa? “Anong sinasabi? Thank you sa suporta. Lagi namang ganun e, kaya happy ako.” Nagpapasalamat din si Tintin sa AlDub Nation sa pagtanggap sa kanya bilang fan din ng AlDub. Madalas ma-bash sina Alden at Maine sa social media. Nalulungkot ba si Tintin kapag nakakabasa siya ng pamba-bash sa AlDub? “Super… alam mo naman ako e, super fan. Nakakalungkot kasi parang bakit kailangang mang-bash. Bakit hindi na lang maging happy, di ba?” Samantala, kukumbinsihin daw ni Tintin sina Alden at Maine na magpa-vaccine kontra sa dengue kung sakali mang hindi pa ito nagagawa ng dalawa. Isa kasi si Tintin sa anti-dengue vaccine ambassadors at celebrity advocates ng Be A Wall at #wallagainstdengue campaign ng Sanofi Pasteur, ang vaccine division ng multinational pharmaceutical company na Sanofi. Kasama niya sa campaign na ito bilang celebrity advocates sina Maricel Laxa-Pangilinan at Paolo Abrera. “Pag nakita ko sila ulit kakausapin ko sila. Una, pareho kami nina Maine at Alden na active sa Red Cross. Una kong tatanungin pag nakita ko sila, anong blood type nila? Kasi malay mo magka-blood type pa sila, so blood buddies sila. Kasi ako ang blood type ko B. Hindi ko pa natatanong sa kanila. So, naisip ko lang ngayon, tatanungin ko. Kasi maganda di ba, pag matched ang kanilang dugo pwedeng salinan ng dugo ni Alden si Maine or vice versa pag kailangan,” sabi ni Tintin. Bilang AlDub fan, siyempre inaalala rin niya ang kalagayan ng dalawa. “Dahil ang dami nilang raket, kabi-kabila, ayokong magkasakit sila. So, ang mangyayari ay kailangan magpa-dengue vaccine sila.” Alam ni Tintin ang hirap na magkasakit ng dengue dahil tatlong beses na siyang tinamaan ng mosquito-borne disease na ito. Gusto rin daw niyang kausapin sina Alden at Maine para himukin ang AlDub fans na magpa-vaccine kontra dengue at tumulong sa campaign para makaiwas na magkaroon ng isa sa killer diseases sa Pilipinas. Ang anti-dengue vaccine ay pwede sa mga nasa edad 9 hanggang 45. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|