LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Lourdes Fabian NAKAHARAP mismo ng entertainment press ang mga hosts ng It's Showtime noong Martes, March 7, sa thanksgiving presscon na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle, Amy Perez, Ryan Bang at si Jugs Jugueta, pati na ang 10 Grand Finalists na sina Noven Belleza, Froilan Canlas, Eumee Capile, Gidget Dela Llana, Pauline Agupitan, Sam Mangubat, Carl Malone Montecido, Maricel Callo, Marielle Montellano and Rachel Gabreza. Malaking pasabog sana kung natuloy si Nora Aunor na maging special judge nung grand finals last March 11 sa Resorts World. Produkto rin ng Tawag ng Tanghalan noong 1967 ang Superstar. Nakakabilib ang magandang samahan ng mga hosts na pamilya na ang turing sa isa't isa at malaking blessing sa kanila na nakasama sa nasabing number one noontime show kahit pa sinasabing si Vice ang nagdadala sa programa ay hindi apektado sina Anne, Karylle at iba pang hosts dahil sa sarili nila alam nilang may kani-kanila silang contribution sa show.
Hindi pwedeng di namin makuha ang saloobin ni Vice sa nalalapit na pagtatapat nila ng BFF at ‘asawa’ niyang si Kris Aquino sa Marso 26, Linggo, para sa two-hour special nitong Trip ni Kris sa GMA-7 at sa Sunday late night show niyang Gandang Gabi Vice. “Normal lang naman na nagkakatapat-tapat ang mga show, kasi kung hindi rin naman siya, may iba rin naman akong makakatapat. Personally, hindi ako bothered. Mas masaya na ako ro’n kesa hindi siya mabigyan ng programa. Ang maganda sa akin, may programa si Kris ngayon. Masaya lang kasi may trabaho ulit lahat. She’s very happy and I’m very happy that she’s happy,” very positive na reaksyon ni Vice sa pagtatapatan ng program niya at two-hour special ni Kris sa Siyete. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|