Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


VICE GANDA, KEBER LANG SA USAPING KONTROBERSIYA SA MMFF 2015!

2/11/2016

Comments

 
Ni Glen Sibonga
​Iniiwasan nang maapektuhan ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa mga nangyaring kontrobersiya sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2015. Kabilang na rito ang pagkuwestiyon sa pagiging topgrosser ng film entry niyang Beauty And The Bestie, na pinagbibidahan nila ni Coco Martin. Nang idine-deadline namin ito ay hindi pa kasi naglalabas ng official ranking at figures ng kinita ng bawat entry ang MMDA.
Picture
“Wala naman na akong gustong sabihin doon. Parang sa pagkakataong ito kung mayroon mang nagkamali, ngingiti na lang po ako. Ayoko na ng negative. Sa ngayon po masayang-masayang lang po ako,” sabi ni Vice.
May mensahe ba si Vice para kay Ai Ai delas Alas? May mga patutsada kasi si Ai Ai sa pandaraya umano ng Star Cinema. “Ay, huwag na lang, kasi baka mabigyan na naman ng ibang kulay, di ba? Kasi kahit anong sabihin mo ngayon, kahit anong… nakakatakot na. Kung mayroon man, ako na lang ang magte-text sa kanya kasi nagte-text naman kami e.”
Hindi ba naapektuhan ang friendship nila ni Ai Ai? “I will not allow. Mas maganda yung walang kaaway. Kasi kahit anong gawin mo makakasalubong at makakasalubong mo iyang  mga iyan. Kaysa naman mangawit ka ng kayuyuko pag nakita mo yung mga tao, mas maganda yung deretso lang ang lakad mo at alam mong wala kayong atraso sa isa’t isa.”

Still on Vice Ganda, masayang-masaya lang siya na na-break na naman niya ang sariling record sa box-office sa kinita ng Beauty And The Bestie. Inanunsiyo ng Star Cinema na ito na ang Highest Grossing Filipino Film of All Time dahil kumita na ito ng mahigit sa P500 million at kumikita pa kasi palabas pa sa maraming sinehan nationwide. Na-break nito ang previous record ni Vice sa kanyang MMFF 2014 movie na The Amazing Praybeyt Benjamin, na kumita ng P456 million.
Dahil nga sa bagong record niya sa box-office ay sinasabing siguradong mabibigyan na naman siya ng Phenomenal Box-Office Star award ng Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards. Ano ang masasabi ni Vice dito? “Siyempre Guillermo lang ang makakapagsabi nun. Pero siguro… kung ibigay, e di tanggap lang nang tanggap,” ani Vice.
E si Coco naman daw ay posibleng maging Box-Office King? “Oo naman. Pero pwede naman kaming mag-share sa Phenomenal Box-Office Star, di ba? Why not? Kung si Coco naman ang ka-share ko, walang problema.”
Bukas si Coco na magkaroon ng part 2 ang Beauty And The Bestie. Si Vice ba okay din sa ideyang ito? “Oo naman, gusto ko naman. Kanina nga nakita ko yung picture niya sa Ang Probinsyano na naka-Paloma siya, sabi ko parang magandang idea yung pagsamahin si Paloma at si Praybeyt Benjamin.”
Habang hindi pa sigurado ang sequel ng Beauty And The Bestie, ibinalita ni Vice na may dalawang pelikula na siyang siguradong gagawin ngayong taon na co-produced ng Star Cinema at Viva Films. “Iyong isa iyong sa amin ni Daniel (Padilla). Magkapatid kami doon. Iyong isa hindi ko pa alam kung sino ang kasama ko.”

LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved