LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Glen Sibonga Iniiwasan na raw ni Vice Ganda na magkuwento at magsabi ng tungkol sa kanyang lovelife sa bestie niyang si Coco Martin dahil madalas siyang ibuking nito. Gaya na lang sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang entry ng Star Cinema at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2015, ang Beauty And The Bestie, kung saan may panibagong pambubuko na namang ginawa si Coco kay Vice. Natanong kasi si Coco kung kilala na ba niya ang bagong lalaki sa buhay ni Vice, na umano’y nagbibigay ng black and white na roses? “Sa kanya? Hindi naman nagbago iyon e,” bulalas ni Coco. Pero tila bigla ring kumambiyo ang aktor at sinabing, “Hindi, ang ibig kong sabihin si Vice ang hindi nagbago. Never siyang nagbago.” Ano ang ibig niyang sabihin? “Ano po, virgin ngayon iyan,” biro ni Coco. “Hinahayaan niya lang ulit tumibok ang puso niya.” E di ba parang tumitibok na ulit ang puso ni Vice? “Hindi gaano e.” Pero isine-share ba ito ni Vice sa kanya? “Hindi, hindi niya sa akin isine-share. Lagi lang akong kumukuha ng impormasyon tungkol sa kanya.” Kaya nga ibinuking niya noon iyong isang Chinese guy, di ba? Chinese ba ulit ang bagong guy ni Vice ngayon? “Ay, hindi!”
So, ano? “Baka mag-away kami ulit, e,” biro ulit niya. Pero alam niya? “Oo, naman po. Masaya ako, basta masaya po siya.” Saan ba siya hindi masaya? “Depende, pag alam kong pineperahan lang siya. Basta ang gusto ko yung mahal siya e. Ayoko nung parang pera lang ang gusto sa kanya.” Mga ilan ba iyong pinerahan lang si Vice? “Lahat halos e,” sabay tawa ni Coco. Nag-react tuloy si Vice, “Grabe siya o! Kaya ayoko talaga na sinasabi sa kanya e. Pag may ganyang tanong kinakabahan na talaga ako.” Nilinaw din ni Vice na walang katotohanan ang iniuugnay na lalaki sa kanya, na lumabas sa isang website. Hindi rin daw ito ang nagbigay sa kanya ng black and white roses. Paliwanag pa ni Vice tungkol sa nasabing roses, “Pareho lang kami ng ipinost. Kasi unang-una yung flowers na iyon ay ibinigay nung… pa-Instagram iyon nung flower shop. Kaya nga iyong caption ko comedy. E yung mga tao ang dudumi ng utak. Pareho kami ng ipinost. Bibigyan ka nila (ng flowers) pero kailangan i-Instagram.” Walang charing? “I speak the truth.” Pero in love ba siya ngayon? “Always.” Iyon pa rin ba ang dyowa niya? “I will not say anything.” Si Vice naman ang natanong kung may dyowa ba si Coco ngayon? Tumawa muna nang malakas si Vice bago sinabing, “Ayoko din namang magsalita kasi siyempre ayoko namang manggaling sa akin na, ‘Oo.’” Natawa na lang ang lahat pati si Coco sa pahayag ni Vice. Pero ayon kay Coco, “Bata pa e. Siguro next year.” LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|