LIKE OUR FACEBOOK PAGE
NANANATILING loyal si Vin Abrenica sa network na nagbigay sa kanya ng pangalan sa showbiz, ang TV 5, kahit nakikita siyang lumalabas ngayon sa ABS-CBN 2, specifically sa drama anthology, Ipaglaban Mo, aired recently. Nang nakausap namin si Vin sa McDonald’s branch sa Reliance St., Mandaluyong City nung March 14, para sa kanilang National Breakfast Day, nasabi ng actor na nananatili ang puso niya sa TV 5. Bukod pa sa may kontrata siya sa network hanggang 2017.
Kasama ni Vin na naging service crew ng McDo nang araw na iyon ang mga Kapatid stars na sina Shaira Mae at Alwyn Uytingco. May coverage ang morning show ng network sa McDo special day. Kaya 4:30 am pa lang ay nasa Mcdo branch na ang tatlong TV 5 stars. Tumulong silang mag-serve ng libreng McMuffin sandwich ng fastfood chain. Ani Vin: “Nagpapasalamat ako sa TV 5 management na pinayagan akong lumabas sa Kapamilya network. Laking challenge sa akin na napapansin ako ng ibang network. Ang puso ko sa ngayon ay mananatili sa Kapatid network.” LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|