LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil MAITUTURING na world-class ang presentation ng inaugural Mister Grand International 2017 na ginanap sa Crossroad Center sa Panay Avenue noong October 6, 2017. Mga Pinoy ang organizers nito na sina Mark Gil Balisacan (President), Emanuele Amboy (Vice President- Administration) at Eduardo Pillora (Vice President- Creatives and Entertainment). Twenty-five countries ang naglaban-laban at ang naging pambato ng Pilipinas na si Joshua Reginald Banatin ang siyang Fourth Runner-up. At ang grand winner ng First Mister Grand International ay walang iba kundi si Mr Australia, Michael Angelo Skyllas (contestant no. 1) na umaapaw ang kagwapuhan at super flawless. Siya rin ang pinakabata sa edad na 19. Congratulations sa iba pang nagwagi gaya nina Mr. Thailand (Rachata Hamphanon), first runner-up; Vietnam (Nguyen Tien Dat) 2nd runner-up, Germany (Hamid Noor) 3rd runner-up; Mr. Philippines (Joshua Reginald Banatin) 4th runner-up; Mr. Dominican Republic (Mr. Grand Sports Ambassador), and Mr. Spain (Mr Grand Tourism Ambassador).
May mga nakita pa akong Thais na nanood sa pageant at todo suporta sila sa kanilang candidate na nagwaging first runner-up. Si Michael ay isang bartender at the same time model sa Australia. Nakoronahan si Michael mga bandang ala-una ng madaling araw na ng Sabado, at pagdating ng alas-dose ng tanghali ng Sabado (ilang oras na tulog lang) ay agad na pumirma si Michael ng 15-month exclusive contract sa Psalmstre Enterprises ni Jim Acosta bilang parte ng kanyang prize. During the pre-pageant activity, si Michael ang napiling Mr. New Placenta at sa mismong finals, siya rin ang nagwaging Mr. Psalmstre. Kailangang umuwi kaagad ni Michael sa Australia para asikasuhin ang kanyang mga papeles pero napakaagap ni Jim Acosta at pinapirma kaagad niya ito. Babalik si Michael sa November para tuparin ang kanyang tungkulin bilang Mr. Grand International na ang advocacy ay naka-sentro sa sports, masculinity at camaraderie at siyempre, ang responsibility niya bilang New Placenta for Men ambassador. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|