LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Mildred Bacud “Nagmamahalan kami,” ito ang naging pag-amin ni Xian Lim sa relasyon nila ni Kim Chiu sa presscon ng serye nilang The Story Of Us. Pero kahit inamin niya ayaw pa rin niya itong lagyan ng label. Katwiran niya, “Mahirap kasing maging open, baka lang di kayanin yung batikos o sasabihin ng ibang tao. Kapag in-open mo sa public parang ang daming kumplikasyon. Mas magandang private kasi.” Sang-ayon naman si Kim sa sinabing ito ni Xian at dagdag pa niya, mas masaya raw sila ng ganun.
Tungkol naman sa serye nilang The Story Of Us, ay mas pinalalakas pa ito at magiging advocacy na nga ang tema nito dahil magiging true-to-life na ang mga kwentong ilalahad sa serye tungkol sa buhay ng mga OFWs o mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa na may kakaibang love story. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|