LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Cecille Yutan Mula nang kumalas si Yasmien Kurdi sa dati niyang manager na si Lolit Solis ay wala nang humawak pa sa career ng aktres. Sa ngayon ay ang GMA Artist Center muna ang nagha-handle sa kanya, pero mariing sinabi ni Yasmien na naghahanap siya ng bagong mag-aalaga sa kaniya bilang manager. Napag-usapan daw kasi nila ni Mam Gigi na head ng GMA Artist Center na ilalagay na temporary co-manager si Rey (Soldevilla, husband ni Yasmien). “Actually, naghahanap na ako ng ipapasok sa slot niya, kailangan ko ng manager na magpu-push sa akin. Okay naman kami ni Manay Lolit nung nag-separate kami, sobrang love na love ko siya. Nung bumalik ako sa showbiz, wala na ako sa kanya... kailangan ko ng isang aggressive!”
Samantala, bukod sa acting ay balak din ni Yasmien magbalik sa recording sa pamamagitan ng charity album na One Heart under GMA Records. May panghihinayang man si Yasmien dahil iniwan niya ang singing career dati ay lubos naman ang saya niya dahil marami naman daw siyang natutunan sa kanyang pag-aaral. “I know” ang hit single ni Yasmien noong dalaga pa siya at bago pa sa industriya. Kapag raw naririnig niya sa mga videoke ang kanyang awitin ay natutuwa siya. “Naa-appreciate nila yung kanta mo at yung kinanta mo before. Masaya nga akong kantahin yun kahit paulit-ulit na nire-request sa akin yun,” pahayag ni Yasmien. Nami-miss na nga raw ni Yasmien ang recording. “Sobrang nami-miss ko talaga siya." “Masaya ako na napasama ako sa album na ito kasi sobrang tagal ko nang walang recording, walang album. At the same time, nakatulong pa ako sa ibang tao.” Ang beneficiary ng One Heart charity album ay ang Kapuso Foundation. “Panahon” ang track na inawit ni Yasmien sa One Heart, na kinanta niya sa presscon ng album na ginanap last week sa 17th floor ng GMA Network Center. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|