LIKE OUR FACEBOOK PAGE
MARIING pinabulaanan ni Bea Alonzo na may namamagitan na sa kanila ng kanyang favorite leading man na si John Lloyd Cruz tulad nang unang kumalat dahil magkaibigan lang daw talaga sila. Ang totoo, ayon sa isang taong malapit sa dalaga, ay malapit na silang magkabalikan ng ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo dahil nag-uusap na sila tungkol sa relasyon nila. “Mahal naman kasi talaga nila ang isa't isa, may hindi lang sila napagkasunduan kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila,” bulong pa ng aming source. Naguguluhan ang kanilang mga fans kung bakit kailangang pigilang magbalikan ang dalawa kung mahal naman nila ang isa’t isa. Tingin ng mga taong malapit kina Zanjoe at Bea, once magkabalikan ang dalawa ay pag-uusapan na nila ang pagsi-settle down at ang future nila dahil nasa marrying age na sila at di na bagay sa boyfriend/girlfriend relationship.
Ni Lourdes Fabian LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|