Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions

FOUR-YEAR BAN INIHAIN KAY SHARAPOVA

3/22/2016

Comments

 
​​Hinainan ang five-time Grand Slam winner na si Maria Sharapova, 28, ng apat na taong suspension dahil sa positibong paggamit nito ng Meldonium, isang substance drug na isinali na sa mga banned substance noong Enero ng kasalukuyang taon ng World Anti-Doping Agency (WADA).
Sa isang press conference kamakailan ng kampo ni Sharapova, binigla ng tennis icon ang press sa pag amin niya sa kanyang ‘failed drug test’ noong Enero. Anya pa, inosenteng pagkakamali ang paggamit niya ng Meldonium. Hindi daw niya ito ginagamit bilang performance enhancer, bagkus ay nirekomenda diumano ito ng kanyang doktor dahil sa abnormal niyang E.K.G. reading. Hindi rin daw niya agad nabasa ang email ng WADA kunsaan inanunsiyo na kasama na as banned substance ang Meldonium simula Enero 2016.
Samantala, ang Latvian pharmaceutical company na nagpo-prodyus ng Meldonium ay nagpahayag na ang nasabing substance ay ginagamit lamang apat hanggang anim na linggo, at maaring ulitin lamang ng dalawang beses ang duration ng paggamit nito sa isang taon. Hindi daw ito dapat patuloy na gamitin ng isang dekada, katulad ng paggamit ni Sharapova.
Sa kinakaharap na ban dahil na rin sa banned substance use, umatras na ang ilang corporate sponsors ni Sharapova kabilang ang Nike, Porsche, at Tag Heuer. Wala pang pahayag ang ibang sponsors ni Sharapova kabilang ang American Express, Avon, Evian. Samantala, ang Head ay nagsabi nang hindi nila bibitawan si Sharapova.
55 na atleta ang nag-fail sa drug test noong Enero at nakitaang positibong gumagamit ng Meldonium.
Comments

    Archives

    March 2016

    Categories

    All

    RSS Feed

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved