Mula sa pagiging mahusay na mang aawit ay nais din daw subukan ng Pinoy X Factor Israel na si Rose "Osang" Fostanes na subukan ang pag arte sa Pilipinas. Minsan na rin nga daw umarte si Osang sa kauna-unahan nitong pelikula sa Israel na nakatakdang ipalabas bago matapos ang taon kung saan ginampanan nito ang isang OFW na napadpad sa Israel. Dito nga daw nalaman ni Osang na nakakaarte siya. "At first, nagdalawang isip talaga ako na tanggapin yung movie, kasi hindi naman ako actor dahil singer ako. "Pero sinabihan ako ng director at producer na halos pareho daw sa totoong buhay ang gagampanan ko, isang OFW na nagtatrabaho sa Israel.
"So, ako naman sabi ko, subukan ko, pag di ko nakaya magki-quit ako. Kaya nung first shooting kabado talaga ako, pero after ng unang eksena ko sinabihan ako ng director na nakakaarte daw ako. Hangang sa nakasanayan ko na at naging ok na ako sa mga susunod na taping.” Pero kahit gusto ngang pasukin ni Osang ang pag arte ay hindi naman daw nito tatalikuran ang pag awit lalo na't ito daw talaga ang kanyang first love. |
Archives
December 2016
Categories |